Musika at Ritmo

Bawat himig na naririnig mula sayong bibig, ay parang isang ritmong may ibig ipahiwatig.

Ngunit bakit tila nahihiwagaan itong pusong hindi mapakali?

Na para bang ang ipinapahiwatig ng iyong tinig ay hindi ganun kadali.

Na para bang bawat hibla ng iyong salita ay isang mahabang salawikaing mahirap intindihin?

Na para bang bawat tono ng iyong mga salita ay parang isang musikang masarap isayaw ngunit tila napakahirap sabayan.

Kaya pala…

Kaya pala…

Ngayoy alam ko na.

Sa kung paano naging mahirap intindihin, sa kung paano naging mahirap sabayan ang bawat ritmong nagmumula sa iyong tinig.

Isang masayng kanta ang nagmumula sayo

Isang masayang kantang masarap isayaw ang ipinarinig mo.

Isang kantang nagpapaligaya sa pusong umaasa.

Datapway ito palay maling pakinggan.

Ito palay maling isayaw dahil ang bawat tinig, himig, at letra na nanggagaling sayong magandang kanta ay para sa iba. Isang mahabang kantang naglalahad ng pag ibig.

Kaya pala itoy masarap ngunit mahirap pakinggan.

Dahil itoy naglalahad ng pag iibigan.

Pag iibigan ng dalawang pusong iisa ang tinig.

At ako? 

Nasaan ako?

Ako palay isang malaking hadlang.

Hadlang sa dalawang taong nag iibigan.

Nagpupumilit pkinggan ang magandang ritmong sa iba nakalaan.

Hiling ko lang naman sa muling pagtugtog nang iyong musika ay para na sa akin at wala ng iba.

Ngunit itoy mali.

Itoy maling mali. Maling ipilit ang pusong durug na durog na sa taong buong buong tumitibok ang puso para sa iba.

Maling ipilit na maging iyo ang musikang isinulat para sa iba.

Maling ipilit ang taong mahalin ka, gyong siyay umiibig na sa iba noon pa.

Noon pa bago mo marinig ang ritmong nagmumula sa bibig niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: