Nakakadurog ka.

Shet.kung gaano kita kamahal ganun mo din siya minamahal. Kung gaano ko gustong ibigay sayo ang lahat ganun ka din sakanya. Kung gaano ko gustong ibalik yung mga panahaong okay pa tayo,mga panahong kaya pa nating mag usap at timawa ng magkasama ganun mo din hinihiling sa Panginoon na ibalik siya sayo para mas ingatan siya at mas iparamdam sakanya yung pagmamahal na handa mong ibigay ng buong buo para sakanya. Kung pwede nga lang bang makaabot na yang boses at kanta mo sa langit marahil ay nabuhay mo ulit siya. Nabuhay mo yung pagmamahal na meron siya para sayo. Kelangan ko na lang siguro talagang tanggapin na sa tuwing mapapakinggan ko ang mga kantang iniaalay mo para sakanya ay kelangan kong takpan ang aking mga mata at ang aking tenga para diko makita kung gaano mo siya pinagmamasdan, kung gaano mo kagustong mapakinggan niya ang bawat letra,titik at kahulugan ng iyong kanta, para mas malaman niya kung gaano mo siya minamahal. Talo ako. Talong talo ako. Dahil hindi ko kayang pilitin kang mahalin ako pabalik. Katulad ng paghiling mong siya ay bumalik.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: