Isang tinig na namumutawi. Isang lungkot na hindi matutumbasan. Kinakain ang bawat laman. Hinihimay ang bawat alaalang nilalaman ng puso at utak nitong hinahagkan. Hinahagkan ng kalungkutan at karimlan. Gustong kumawala ngunit pilit na niyayapos. Pilit na hinahagkan, hanggang s ikay hindi na makahinga. Tanging patak na lamang ng luha sa iyong mga mata ang mababakas sa kalungkutan na bumabalot sa buong sistema. Walang sinumang makakarinig ng sigaw ng paghingi ng tulong na hindi maisa tinig. Walang makakaintindi, dahil na rin sa ngiti sa iyong mga labi n pilit ipinapakita sa lahat sapagkat natatakot sa bawat sasabihin ng mga taong nakapaligid. Ikaw. Ikaw na duwag. Ikaw na takot ipakita sa lahat kung gaano ka binabalot ng lungkot at karimlan. Sana ay makaya mong umahon sa lugar kung nasasaan ka.