A star. My almost star.

You dont need to say a word for me to realize that youre a star. Your presence and existence says it all. Your words and actions shows it all. That you will always be star, but will never ever be my star.

Akala ko pwede. Akala ko talaga. Pinaramdam mo din kasi na pwede. Na okay. Na baka. Gusto kong saluduhan ang sarili ko dahil nagawa kong tiisin at saluhin lahat ng kakapalan ng mukha. Lahat ng oras na nilaan ko sayo. Lahat ng salitang sinabi ko sayo. Mabuti na lang at hindi ko din nagawang umamin sayo, na oo nahuhulog na din ako. Hindi ako manhid para hindi ko maramdaman na nahulog kana din at gusto kong umamin. Pero wala. Naunahan ka ng kaba. Naunahan ka ng takot. Takot dahil baka may maapakan ka. Takot dahil alam mong may nauna na. Takot dahil hindi mo alam kung anong isasagot ko. Tinatanong ko din ang sarili ko kung sakaling nabuo mo o nasabi mo ng buo ang mga salitang hirap na hirap lumabas sayo. Hindi ko rin alam kung anong isasagot ko. Dahil alam ko na kahit tayo ang laging mgakadama. Alam ko na mahal mo pa din siya. Alam ko na siya ang laging laman ng isip mo. Alam ko na hindi ko siya mahihigitan. Alam ko na mahal mo ako, pero hindi kayang tumbasan ng pagmamahal na yun ang pagmamahal mo sakanya. Alam ko sa sarili ko na naging panakip butas mo lang ako. Alam kong alam mo din yun. Kaya nga itinaboy mo ako palayo dahil alam kong naaawa ka na din at nagiguity sa ginagawa mo. Mas naging masakit nga lang nung kailangan mong mamili sa aming dalawa, na kahit alam kong siya ang pipiliin mo, hinihiling ko pa din piliin mo ako. Dun ko mas na realize, n hindi mo nga ako mahal.  Nakatulong din yun para magising ako sa katotohanang mas mahal mo siya at hindi nun kayang tumabasan yung pagmamahal n binibigay mo sakin habang wala siya. Nakakabobo lang, dahil feeling ko nagsayang na naman ako ng oras sa taong hindi para sakin na sana yung oras na yun ay nilaaan ko na para mas maging okay at mabuti pa. Ang dami kong gustong sabihin sayo. Pero hindi ko alam kung saan sisimulan. Hindi ko alam kung paano simulan. Hindi kita magawang sisihin dahil alam kong choice ko din to. Pinili ko ding magpakatanga sa taong alam kong hindi pa tapis mag mahal ng iba. Pinili ko ding mahalin ka. Pinili kong maging tanga. Pinili kong maging balikat lang. Ganun na siguro talaga ang papel ko. Ang maging panakip butas lang at hindi ang mahalin. 😊😂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: