Isang hakbang papunta sa kaharap ko.
Isang hakbang pa at pwedeng mabuo o mawasak ako.
Sa madilim na paligid na walang ibang makita at marinig kundi ang mga yabag at paghinga mo.
Magagawa mo bang humakbang papalapit sa taong inaasahan mong magmamahal sayo?
Isang hakbang papalapit ang ginawa ko, kahit na walang kasiguraduhan kung ikaw na nga ito.
Napahinto. Napaisip. Hahakbang pa ba ako?
Ikaw nga ba ito? Magulo. Ginugulo nito ang isip at pusong ninanais tumakbo papunta sayo,
Ngayoy nag-dadalawang isip kung lalapit pa ba ako.
Isang hakbang ulit papalapit habang natatanaw na ikaw ay palapit na rin.
Isang hakbang ulit habang pinipilit imanipula ang mga mata upang maaninag kung ikaw nga ba talaga.
Tigil. Hinto. Ikaw nga ba talaga?
Ramdam na ang mga yabag ng yong mga paang papalapit.
Malinaw na rin sa pandinig ang bawat hiningang pinapakawalan mo.
Napahinto. Napatigil. May kaunting takot na namutil sa dibdib.
Kailangan ko na bang umatras pabalik?
Humahakbang ka palapit.
Akoy napahinto.
Pilit nagsusumamo sa mga bituin na bigyan ng kahit butil na liwanag ang iyong mga mukha ngunit wala.
Hanggang sa namayani ang isang boses na pamilyar.
Isang boses na matagal nang hinahangan,
Isang paanyaya para akoy humakbang ng humigit kumulang tatlong dipa,
Hakbang. Hakbang ulit. Hakbang.
Mabilis pa sa alas kuatro ang bawat hakbang.
Nakilala na kung kaninong boses.
Habang palapit ng palapit na rin at naaaninag na ang bawat detalye ng yong mukha.
Kabisado na rin ang bawat hingang pinapakawalan ng taong ngayoy kaharap ko na.
Napahinto. Napatanong. Ako ba’y nawasak o nabuo?