Isa. Dalawa. Tatlo

Isa. Dalawa. Tatlo.

Tatlong hakbang na lang at hindi ko na alam kung saan pa tutungo.

Saan papatungo? May patutunguhan pa ba?

Isa. Dalawa. Tatlo.

Mukhang matatalo na naman ako.

Sa laban na ako lang ang lumalaban.

Sa laban na hindi ako kayang ipaglaban.

Ilalaban ko pa ba?

Isa. Dalawa. Tatlo.

Durog na durog na ako.

Ilang pagkatalo’t pagkawasak pa ba ang kailangan ko?

Isa?Dalawa?Tatlo?

Hakbang

Isang hakbang papunta sa kaharap ko.

Isang hakbang pa at pwedeng mabuo o mawasak ako.

Sa madilim na paligid na walang ibang makita at marinig kundi ang mga yabag at paghinga mo.

Magagawa mo bang humakbang papalapit sa taong inaasahan mong magmamahal sayo?

Isang hakbang papalapit ang ginawa ko, kahit na walang kasiguraduhan kung ikaw na nga ito.

Napahinto. Napaisip. Hahakbang pa ba ako?

Ikaw nga ba ito? Magulo. Ginugulo nito ang isip at pusong ninanais tumakbo papunta sayo,

Ngayoy nag-dadalawang isip kung lalapit pa ba ako.

Isang hakbang ulit papalapit habang natatanaw na ikaw ay palapit na rin.

Isang hakbang ulit habang pinipilit imanipula ang mga mata upang maaninag kung ikaw nga ba talaga.

Tigil. Hinto. Ikaw nga ba talaga?

Ramdam na ang mga yabag ng yong mga paang papalapit.

Malinaw na rin sa pandinig ang bawat hiningang pinapakawalan mo.

Napahinto. Napatigil. May kaunting takot na namutil sa dibdib.

Kailangan ko na bang umatras pabalik?

Humahakbang ka palapit.

Akoy napahinto.

Pilit nagsusumamo sa mga bituin na bigyan ng kahit butil na liwanag ang iyong mga mukha ngunit wala.

Hanggang sa namayani ang isang boses na pamilyar.

Isang boses na matagal nang hinahangan, 

Isang paanyaya para akoy humakbang ng humigit kumulang tatlon​g dipa,

Hakbang. Hakbang ulit. Hakbang.

Mabilis pa sa alas kuatro ang bawat hakbang.

Nakilala na kung kaninong boses.

Habang palapit ng palapit na rin at naaaninag na ang bawat detalye ng yong mukha.  

Kabisado na rin ang bawat hingang pinapakawalan ng taong ngayoy kaharap ko na.

Napahinto. Napatanong. Ako ba’y nawasak o nabuo?

Si Pedro.

Masyadong malupit ang mundo. 

Marahas. 

Nakakatakot. 

Nakakapanindik isipin na sa isang segundo pwedeng baguhin ng mundo ang kaisipan ng isang musmos at inosenteng bata.

Batang walang ibang alam kundi ang mahalin ang lahat ng nasa palibot niya. 

Tao. Hayop. Bagay. Laruan. Bituin. Buwan. Araw. Dagat. Alitaptap. 

Lahat ay pantay pantay. Sa mundo niya, lahat ay nag mamahalan. Lahat ay nagpapatawad. 

Ngunit, sa isang iglap…

Ang mundong puno ng pagmamahalan, ngayo’y mundo na ng karahasan, kasamaan, ganid na tao, mga taong nag uunahan, taong nag sasakitan, nag lalamangan.

Mundong walang ginawa kundi patayin ng pauulit-ulit ang isat-isa.

Mundong walang alam sa pagmamahal at pagpapatawad. 

Ngayon, ang musmos at inosenteng bata ay batang puno ng pagkatakot, pagkabahala, pagkamuhi at pagdadalamhati.

Pagdadalamhati sa kaisipan noon na naglaho na sa ngayon, ideyang nawalan bigla ng saysay, ideyang bunga lamang pala ng kainosentehan, ideyang ang mundo ay puno ng kasayahan at pagmamahalan.

Ang batang walang alam noon kundi mahalin lahat, ngayoy batang hindi na marunong magtiwala.

Salamat sa mundong puno ng kasamaan.

Kinakant mo din ba ngayon ang awit na umiindyog sa puso ko?

Tinitignan mo din ba ang buwan kagaya ng pag tingin ko ngayon?

Hinahangan mo din b ang bilyon biuong bituo kagaya ng paghanga ko ngayon dito at sayo?

Hindi ko alam. Kagaya ng hindi ko alam kung aasa ba ako o hindi. Kung tama ba o mali. Kung okay kana b o hindi pa. Kung talaga bng may pag asa pa o wala na. Kung magpapatuloy pa ba o tatalusin na.

Walang nakakaalam.

Ikaw lang ang makakasagot. Pero paano nga ba masasagot ang tanong n takot pakawalan ng mg bibig ko dahil sa takot na baka hindi kagaya ng inaasahn ko ang magiging sagot mo.

Naiiyak ako dahil s kakarampot n pag asang nakikita ko eh patuloy ko laring pinag lalaban ang pag asang iyon kahit suntok sa buwan. Hindi ko n alam kung ano bng kailangan kong gawin. 

Ilang sandaling pananabik bago ako mag paalam Ilang sandaling pagkikita bago ka tuluyang magpaalam. Ilang sandaling pag tama ng mga mata. Ilang sandaling pagtatawanan. Ilang sandaling pagnakaw ng mga tingin. Kahit ito man lamang bago tayo gumalaw sa kanya kanya nating mundo at tuluyan ng magpaalam sa isat-isa, dahil ngayoy naging malinaw na nga ang lahat. Malinaw na. Mas malinaw pa sa bawat butil ng mga luhang pumapatak galing sa matang hindi kana muling masisilayan pa. Masaya datapway masakit. Masayang makasama ka pero mas masakit dahil iba ang gusto mong makasama. Isang pilit na ngiti para lamang maipakita na akoy masaya rin para sayo. Kailangan ng magpaalam dahil mas nagiging masakit na ang lahat habng nagtatagal tumambay ng puso ko kakaantay sayo. Paalam hindi sa mga alaala, paalam sayo. Alaala na lang ang meron ako. Sakaling tayoy magkita muli baka pwede na. Baka tama na. Baka may aasahan na. Meron nga ba? 

Pansamantala

Walang permanente sa mundo. Isa yan sa mga bagay na natutunan ko. Nakakatawang isipin na yung taong importante sayo ngayon pwedeng bukas maglaho na lang bigla. Pwedeng bukas wala na yung kung anong meron kayo ngayon. Pwedeng bukas isa na lang kayong taong gumagalaw sa kanya kanya niyong mundo. Kung nasanay kang kinakamusta ka niya araw araw, pwedeng bukas kahit simpleng pagbati ay hindi kana niya mabigyan. Kung importante ka ngayon sakanya, pwedeng bukas hindi na.Ganun nga siguro talaga ang buhay. May mga taong tambay lang sa buhay mo, may mga taong napadaan lang ngunit aalis rin, may mg taong akala mo magtatagal pero aalis rin para kapag nakakita ng akala nila ay mas magandang lugar. Nakakalungkot na sa isang kisapmata pwedeng ang taong importante sayo ay biglang hindi kana kilala. Isa sa mg rason kung bakit nakakatakot mag invest sa isang relationship hindi lang romanticaly but even friendship kasi hindi mo din alam kung sino talaga yinh nakakaintindi sayo o 

Hakbang

<isang hakbang="" papalapit="" sayo.Isang hakbang papunta sa kaharap ko.

Isang hakbang pa at pwedeng mabuo o mawasak ako.

Sa madilim na paligid na walang ibang makita at marinig kundi ang mga yabag at paghinga mo.

Magagawa mo bang humakbang papalapit sa taong inaasahan mong magmamahal sayo?

Isang hakbang papalapit ang ginawa ko, kahit na walang kasiguraduhan kung ikaw na nga ito.

Napahinto. Napaisip. Hahakbang pa ba ako?

Ikaw nga ba ito? Magulo. Ginugulo nito ang isip at pusong ninanais tumakbo papunta sayo,

Ngayoy nag-dadalawang isip kung lalapit pa ba ako.

Isang hakbang ulit papalapit habang natatanaw na ikaw ay palapit na rin.

Isang hakbang ulit habang pinipilit imanipula ang mga mata upang maaninag kung ikaw nga ba talaga.

Tigil. Hinto. Ikaw nga ba talaga?

Ramdam na ang mga yabag ng yong mga paang papalapit.

Malinaw na rin sa pandinig ang bawat hiningang pinapakawalan mo.

Napahinto. Napatigil. May kaunting takot na namutil sa dibdib.

Kailangan ko na bang umatras pabalik?

Humahakbang ka palapit.

Akoy napahinto.

Pilit nagsusumamo sa mga bituin na bigyan ng kahit butil na liwanag ang iyong mga mukha ngunit wala.

Hanggang sa namayani ang isang boses na pamilyar.

Isang boses na matagal nang hinahangan, 

Isang paanyaya para akoy humakbang ng humigit kumulang tatlong dipa,

Hakbang. Hakbang ulit. Hakbang.

Mabilis pa sa alas kuatro ang bawat hakbang.

Nakilala na kung kaninong boses.

Habang palapit ng palapit na rin at naaaninag na ang bawat detalye ng yong mukha.  

Kabisado na rin ang bawat hingang pinapakawalan ng taong ngayoy kaharap ko na.

Napahinto. Napatanong. Ako ba’y nawasak o nabuo?

Ikaw

Ikaw ay isang ulap. Ikaw ay nagiging isa sa mga ulap sa tuwing napapatingin sa kalangitan.

Ikaw ay mistulang isang unan sa tuwing naiisip kong tignan ang mga bituin ng nakahiga.

Ikaw ay musikang ramdam at dama ko sa tuwing bumubuhos ang malakas na ulan.

Ikaw, na may balikat na sobrang inaasam asam kong sandalan.

Ikaw, na may brasong sobrang inaasam kong yakapin ako sa tuwing hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luhang ano mang oras ay pwedeng kumawala sa aking mga mata.

Ikaw, na may boses ng anghel na hinihintay kong alayan din ako ng kanta kagaya ng pag alay mo sakanya.

Ikaw, na inaasam kong papayong saakin kapag biglang bumuhos ang ulan.

Ikaw, na lagi kong ipinagdarasal.

Ikaw, na para sakin at hindi sa iba.

Ikaw, na sasamahan ako hnggang sa huli.

Ikaw, na magpapatunay na karapatdapat akong ingatan at mahalin.

Ikaw, na magpapatunay na totoo pa ang pag-ibig.

Ikaw, na magpapakita ulit saakin ng tunay na kahulugan ng pag-ibig.

Asan kana?

Saan tutungo?

Patungo sa lugar kung saan hindi ka tutungo.

Patungo sa lugar kung saan hindi kayang sumuko.

Patungo sa lugar kung saan pwedeng isigaw lahat ng nilalaman ng isip at puso.

Patungo sa lugar kung saan kayang hilingin lahat ng ninanais sa lahat ng bituin.

Patungo sa lugar kung saan malayong maalala ka.

Patungo sa lugar kung saan may pag asa.

Patungo sa lugar kung saan hindi mabubulag sa pag-ibig.

Patungo sa lugar kung saan magbabalik ang ang bawat himig ng tinig.

Patungo sa lugar na hindi ka kasama.

Patungo sa lugar na masaya.

Patungo sa lugar na kayang huminga.

Patungo sa lugar na wala ka.

Sa lugar kung saan kaya ko na.

Sa lugar na kaya ko nang wala ka.

Sa lugar na ako lang.

Sa lugar na ako naman muna.

Sa mundo ko at hindi sa mundo mo.

Sa lugar ko.

Alto

Matagal ng inilahad ng puso at isip kung gaano at kung paano ka minamahal.

Matagal ng ipinadama ang bawat damdaming ninanais din madama.

Matagal ng ipinarinig ang tinig na ninanais maparinig.

Kasing tagal ng panahon na akoy umasa.

Kasing tagal ng panahon na akoy pinaasa.

Kasing tagal ng panahon na akoy naging tanga.

Nagsisimula na akong mapagod.

Nagsisimula ng mawala ang lahat.

Nagsisimula na akong kumawala sa damdaming nais ialay para sayo.

Masakit ngunit kinakailangan.

Mas masakit na paulit ulit na binubuo mo ang pusong ito dahil sayong mga ngiti at mumunting tinig ngunit mas masakit dahil ikaw rin ang kadahilanan ng muling pagka durog nito.

Ngiti. 

Ngiti para sa kanya at hindi para sa akin.

Tinig.

Musikang iniaalay para sakanya.

Hindi para sa akin. 

Ngunit ang lahat ng itoy para saiyo.

Hindi ko na alam kung saan ako patungo ngayong mas malinaw pa sa sikat ng araw ang pag alay mo sakanya ng pagibig na ninanais makamit.

Direksyon papunta sayo  at papunta sa pagmamahal sa sarili ang nawala.

Saan na? 

Nasaan na ako?

Gusto ko ng kumawala sa nararamdaman kong ito pero saan nga ba ako patutungo?

Maghahanap na naman ba ako ng mapa apunta sa puso ng iba at muling aasa sa mga salitang bibitawan nila?

O baka pwede namang,

Huminto muna at magpahinga dahil akoy pagod at durog na durog na dahil sa sunod sunod na pagkawasak.

ALTO sabi nga sa prusisyon.

Tigil. Papatigilin muna ang pusong umasa.

Bago pa tuluyang lumuha.

Alto sa pagmamahal.