I used to love the rain even before ive met you. Pero mas lalo ko siyang nagustuhan nang makita kitang masayat malayang naglalaro sa ilalim nito.
Na animoy isang batang masayang binibilang at dinadamdam ang bawat patak ng ulan sa kanyang mukha.
Ikaw ay malaya.
Ikaw ay masaya.
Ikaw ay ikaw.
Malayo sa magulong mundo.
Malayo sa kalungkutang nadarama mo.
Malayo.
Malayo ka.
Ngunit nakita mo akong pinag mamasdan ang bawat galaw mo.
Kasabay nang pagkaway ay ang isang ngiting minsan lamang magisnan sa iyong mukha.
Ngiti na parang batang animoy nakatanggap ng regalong galing sa taong espesyal.
Ngunit habang tumatagal ng ulan at tila nagiging bagyo. Kasabay nitoy ang paglakas at pag usbong din ng nadarama ko para sayo.
Isang damdaming mahirap isambit.
Isang damdaming mahirap ipakita. Lalo na ngayong iba na ang iyong kalaro sa ilalim ng ulan na minsan nang nagsilbing palaruan natin.
Nag iba na. Nag iba na ang lahat.
Ngunit ang nadarama koy ganun parin.
Ngayon, habang umuulan ay napagmamasdan ko pa rin ang mukhang aking nasilayan noong panahong masaya pa tayong naglalaro at naglalakbay sa saliw ng ulan.