Featured

First blog post

This is the post excerpt.

Advertisements

This is your very first post. Click the Edit link to modify or delete it, or start a new post. If you like, use this post to tell readers why you started this blog and what you plan to do with it.

post

Alto

Matagal ng inilahad ng puso at isip kung gaano at kung paano ka minamahal.

Matagal ng ipinadama ang bawat damdaming ninanais din madama.

Matagal ng ipinarinig ang tinig na ninanais maparinig.

Kasing tagal ng panahon na akoy umasa.

Kasing tagal ng panahon na akoy pinaasa.

Kasing tagal ng panahon na akoy naging tanga.

Nagsisimula na akong mapagod.

Nagsisimula ng mawala ang lahat.

Nagsisimula na akong kumawala sa damdaming nais ialay para sayo.

Masakit ngunit kinakailangan.

Mas masakit na paulit ulit na binubuo mo ang pusong ito dahil sayong mga ngiti at mumunting tinig ngunit mas masakit dahil ikaw rin ang kadahilanan ng muling pagka durog nito.

Ngiti. 

Ngiti para sa kanya at hindi para sa akin.

Tinig.

Musikang iniaalay para sakanya.

Hindi para sa akin. 

Ngunit ang lahat ng itoy para saiyo.

Hindi ko na alam kung saan ako patungo ngayong mas malinaw pa sa sikat ng araw ang pag alay mo sakanya ng pagibig na ninanais makamit.

Direksyon papunta sayo  at papunta sa pagmamahal sa sarili ang nawala.

Saan na? 

Nasaan na ako?

Gusto ko ng kumawala sa nararamdaman kong ito pero saan nga ba ako patutungo?

Maghahanap na naman ba ako ng mapa apunta sa puso ng iba at muling aasa sa mga salitang bibitawan nila?

O baka pwede namang,

Huminto muna at magpahinga dahil akoy pagod at durog na durog na dahil sa sunod sunod na pagkawasak.

ALTO sabi nga sa prusisyon.

Tigil. Papatigilin muna ang pusong umasa.

Bago pa tuluyang lumuha.

Alto sa pagmamahal.

Ikalawang Kabanata??

Pangalawa pa lang ba?

Pangalawa pa lang ba talaga?

Oo ngat pangalawa, pangalawa ka 

Sa mga taong naaalala ko na kapag

Ang musika ng ula’y naririnig na.

Iba ka, ibang-iba ka sa nauna,

Na kahit pa nga siya ng unang naiisip sa saliw at ritmo ng ulan, kasabay na nitoy ang uni-unting pagkabuo ng iyong mukha,

Sa isip ng paunti-unti, hanggang sa maging ikaw na lmang ang laman nito.

Gusto ko sanay maging una at huli ka ng iisipin tuwing bumubuhos ng ulan.

Ngunit habang napagmamasdan at nararamdaman ko ngayon ang ulan,

May kung anong iba sa dibdib ko na nagsasabing mali ulit,

Mali ulit itong nararamdman ko.

Mali ulit na ikumara ang taong mahal ko, oo mahal, siguro nga papunta na ito lahat doon.

Mali na ikumpara ka sa ulan, dahil kagaya nga ng ulan,

Ikay titila din at maglalaho pagkatapos mong iparamdam lahat.

Matapos mong iparamdam na baka pwede, baka meron at baka pwedeng maging tayo.

Ang lamig at buong buong buhos ng ulan ay kasing buo at lamig ng pagmamahal at pag aalaga na iyong ipinaramdam.

Mali nga ba? Mali nga ba ulit?

Maghihintay nanaman ba ako ng susunod na kabanata?

Kabanata kung saan, hindi na siya ang ulan.

Kabanata kung saan, siya na ang payong at magbibigay init sa lamig na nararamdaman.

Kabanata kung saan, siya na ang magsasagip sa pusong ilang kabanata ng nalulunod dahil sa matinding buhos ng ulan.

J.S.T.03/16/2018

HAWLA

MALAYA.

Kailan?

Kailan magiging malaya ang pusong na sadlak na sa lupa?

Kailan pwedeng lumaya ang pusong matagal ng nakakulong sa rehas ng galit at lungkot?

Kailan magiging malaya ang ang pusong tumibok at magmahal ulit?

Kailan pwedeng maging malaya ang pusong nakatulog na sa hapdi at kirot?

MALAYA.

Kalayaang mahalin ang sino mang taong nilalaman ng puso.

Kalayaang bigkasin ang bawat titik, letra at pangungusap na nilalaman nito para sayo.

Kalayaang iparinig ang musika at himig na ibig iparinig.

Kalayaang ipahayag ang damdaming nais kumawala sa hawlang gawa sa pagkukunwari’t pagkatakot.

Kalayaang mahalin ka ng walang halong pag iimbot.

MALAYA.

Kagaya ng ating bansang malaya ninanais din ng pusong itong lumaya.

Lumaya sa pagkukunwari’t pagkatakot.

Lumaya sa isinusumbat ng mundo.

Lumaya sa palasyong matagal ng kinasasadlakan ng puso.

Lumayang ialay ang pagmamahal sa iyo.

MALAYA.

Ngunit kagaya ng ibang bansang hindi nabigyan ng kalayaan,

Ang puso ring itoy hindi lubos na magiging malaya,

Sa kadahilanang, ang puso mo’y nasasakop pa ng iba.

Sa kadahilanang, masaya kang nagpapasakop sakaniya.

Sa kadahilanang, hindi mo pa gustong lumaya.

MALAYA.

Kalayaan lang na pagmasdan ka ang meron ako.

Kalayaan lang na humalakhak at tumawa kasama ka ang binibigay mo.

Kalayaan lang makasama ka.

Kalayaan lang tumanaw sa kaloloob looban ng mga mata mo,

Ngunit hinding hindi sa kaloob-looban ng puso mo.

MALAYA.

Kapwa tayo nakakulong sa pighati ng kahapon.

Ako.

Sa hawla ng pagkukunwari’t pagkatakot.

Ikaw.

Sa hawla ng maling pagmamahal ng kahapon.

Sino?

Sino ba ang una at gustong kumawala sa hawlang matagal ng kinasadlakan?

-03-31-2018

Paulit-ulit

Nakakapagod. Nakakapagod umasa.
Nakakapagod makinig sa musikang sa iba nakalaan.

Nakakapagod umibig sa pusong hindi pa lumalaya sa kulungan ng taong kanyang minamahal datapway itoy sa iba na rin nakalaan.

Nakakapagod ipagpilitan ang sarili sa taong nakasara na ang mundo para lmang sa isang tao.

Nakakapagod. Nakakapagod masaktan ng paulit ulit.

Nakakapagod makinig sa musikang ipinipilit maging iyo.

Nakakapagod pakinggan ang sigaw ng mundo na siya na nga gayong ang sigaw rin ng puso niya ay iba.

Masakit. Mahirap. Masakit. Magulo. Masakit.

Doble ang tumbas lalo nat tayoy tunay n magkaibigan.

Triple ang sakit lalo nat ngayoy paunti unting nagiging malinaw na wala nga.

Isang malaking sampal ang kntang ipinarinig dahil itoy naglalaman ng katagang para sa taong mahal niya habang ikaw ang naka suporta sakanya.

Pagod na ako.

Pagod na pagod.

Pagod na ng pusong muling umasa.

Pasensya na pero kailangan niya na munang magpahinga.

Ngunit walang kasiguraduhan kung siyay titibok pa nga bang muli. 

Panahon. Ito lamang ang magsasabi kung titibok pa nga ba itong muli at kung sa iba o sa parehong taong laman parin nito ngayon.

This is a realization that even in the darkest part of our lives God is still there to comfort us. See how the peak shadow of the building shades him while he is crying, parang nag sasabing ” My son, im always here”. Napaka sweet ng Diyos kahit minsan we take it for granted dahil mas nakikita natin kung ano yung wala tayo or kung ano yung nawala saatin rather than saying thank you for the things that we have,that we dont even deserve to have.

See how one get the feeling of being alone and lonely in a crowded place and full of people.

Yet, he still feels that way. We are in the same kind of situation like this man, rather than focusing on the pain that we are fcing we should focus on the things that God gave us and pray for What reason He may have for taking away the things we’ve learned to love.

That kind of love.

Absence makes the heart grow fonder?

Mahirap pala talaga. Akala ko sa mga movies at teledrama lang to nangyayari. Haha. Nakakatawa that im in these kind of situation. Real. Ang taong blessed pag dating sa profession, mahihirapan pag dating sa love. 

I didnt imagine myself to be in this kind of situation. Now, im thinking, and rekindling the feels when ive learned that this already happened to anyone but i didnt know now what to do.

Alam mo yun? yung iniingat ingatan mong puso for how many years, for 23 long years, mahuhulog na nga lang, doon pa sa taong hindi pa nakakamove on from his previous relationship, worst, patay na yung kalaban ng puso mo yet buhay na buhay pa rin yung pagmamahal na binibigay sakanya nung taong mahal mo.

Life. Its very unpredictable and complicated at the same time. Ive been in love before, but never did i imagine myself to be in this kind of situation, never did i imagine myself to be in love with someone who is still trying to fix his heart and wholeself.

Triny ko naman umiwas, pero wala eh, nature na talaga yung pagiging friendly at higit sa lahat traydor din talaga minsan yung puso, kung saan siya mas masasaktan dun niya gusto. Iba din kasi siya, hobby niya yung masaktan.

Its slowly killing me. Parang ako yung slowly pinapatay, while watching how lonely and joyful he is kapag kinekwento niya yung mga moments nila together and ma witness kung gaano siya kalungkot na mawala siya. Kahit pa nga may mga naging issues na sila before pa siya mawala, still buong buong pagmamahal pa din yung binibigay sakanya.

I also want that kind of love.

Yung pagmamahal na willing mag forgive.

 Yung pagmamahal na hindi nakakalimot.

Yung pagmamahal na till death do us part ba.

I want that kind of love, kaya din siguro na fall hard ako sa kanya kasi ive witness that he can give the love that im longing for.

That kind of love.

Should i wait?

03/21/2018